-- Advertisements --

Kinansela ni Attorney General William Barr ang plano nitong pagtestigo sa House of Representatives patungkol sa pagpapasakamay nito sa Special Counsel Robert Mueller’s Russia investigation na mas lalong nagpa-igting sa iringan sa pagitan nina U/S President Donald Trump at ng mga demokratiko sa Kongreso.

Nakatakdang humarap si Barr sa Democratic-controlled House Judiciary Committee ngayong araw ngunit umatras ito matapos hindi magkasundo ang magkabilang kampo sa magiging format ng nasabing hearing.

Ayon kay Justice Department spokeswoman Kerri Kupec ang proposal umano ni Nadler na kwestyunin ng mga abogado si Barr ay hindi na kinakailangan pa.

Nagpahayag din ang Justice Department na hindi ito maglalabas ng subpoena upang makakuha lamang ng unredacted version ng Mueller’s report.