-- Advertisements --

Wala pang naging tugo ang Bureau of Immigration (BI) sa usapin na nakalabas na umano sa bansa si dating presidential spokesperson Harry Roque.

Kasunod ito sa pagkadulas ni Vice President Sara Duterte na kaniyang nabanggit ukol sa kinaroroonan ni Roque.

Nasambit kasi ng bise presidente na noon ay ayaw umalis ng bansa si Roque dahil sa hindi niya maiwan ang anak subalit ngayon ay nakalabas na umano ito.

Noong nakaraang buwan ay ibinunyag ng BI na nakalabas na sa bansa ang asawa ni Roque na si Myla.

Magugunitang naglabas ng arrest warrant ang Quad committee kay Roque dahil sa hindi pagdalo at bigong magbigay ng kalinawan sa imbestigasyon nilang sangkot ito sa Philippine offshore gaming operator (Pogo) operation na ni-raid sa Porac,Pampanga.