-- Advertisements --

Nagtataka si Atty. Harry Roque kung anong koneksiyon sa mga hinahanap na dokumento ng mga mambabatas sa pagbuo ng batas laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Sinabi nito tanging trabaho lamang ng mga mambabatas ay gumawa ng batas at hindi magsagawa ng imbestigasyon.

Giit nito na hurisdiksyon na ng hudikatura kapag mayroong nalabag ito na batas.

Magugunitang mayroong inilabas na arrest order ang House of Representative kay Roque dahil sa bigo itong maglabas ng mga dokumento na may kinalaman sa POGO.