-- Advertisements --

Naitalaga na si Atty. Jeffrey Gallardo bilang bagong chairperson ng National Irrigation Administration (NIA) Board.

Nakuha ni Atty. Gallardo ang major vote ng Board of Directors ng ahensya kayat siya ay tuluyang nailuklok sa pwesto.

Ayon sa ahensya, maituturing na isang malaking hakbang upang matiyak na naaayon at napapanahon ang mga Build Better More program ng administrasyon ni PBBM.

Bago maitalaga, malawak na ang karanasan ni Gallardo sa judicial at executive service kaya malaki ang maitutulong niya sa ahensya.

Kaugnay nito , buo ang tiwala ni NIA Administrator Engr. Eduardo Eddie Guillen sa magiging pamumuno ni Atty. Gallardo.

Umaasa rin ang opisyal na sisimulan nito ang pagtutulok ng mga hakbang upang mapalawak at mapaunlad ang irrigation infrastructure ng Pilipinas.