Nagtalaga na ang Department of Justice ng officer-in-charge sa Bureau of Immigration kasunod ng tuluyang pagkakasibak kay dating Commissioner Norman Tansingco.
Ito ay sa katauhan ni Atty. Joel Anthony Viado, ang nagsisilbing Deputy Commissioner ng ahensya.
Si Viado ang pansamantalang mamumuno sa BI hanggang sa makapag talaga si PBBM ng opisyal na uupo sa binakanteng posisyon ni Tansingco.
Samantala, batay sa naging pahayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, hindi maaapektuhan ang serbisyo ng BI sa kabila ng biglaang pagkakasibak ni Tansingco sa posisyon.
Tiwala ang kalihim sa kakayahan ni Viado na pamunuan ang Immigration pansamantala, habang pumipili pa si PBBM ng magiging Commissioner nito.
Si Tansingco ang nagsisilbing komisyoner ng Immigration noong nakatakas ang kampo ni Alice Guo at ilang buwan pa ang lumipas bago tuluyang nalaman ng mga otoridad. Una na ring binatikos ni Remulla ang sinibak ng commissioner dahil sa umano’y kabiguan nitong bantayan ang pagtakas nina Guo.
Giit noon ni Remulla, kailangang maimbetigahan ang nangyaring pagtakas at alamin kung may mga BI personnel na naging kasabwat o tumulong upang makapuslit ang grupo ni Guo palabas ng bansa.