Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Atty. Raul Lambino dahil sa pagkalat ng pekeng impormasyon.
Kasamang kinasuhan ng NBI sa Department of Justice (DOJ) si dating National Youth Commission (NYC) commissioner Ronald Cardema.
Sinabi ni NBI Technical Intelligence Service Agent Allen Rey Delfin, nahaharap ang dalawa ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o unlawful use of means of publication o unlawful utterances.
Maaring makulong ang mga ito ng isang buwan at multa ng mula P40,000 hanggang P200,000.
Nagbunsod ang kaso noong kasagsagan ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11 kung saan sa live video ni Lambino ay ipinagkalat nito na mayroon ng inilabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) sa pag-aresto kay Duterte subalit walang inilabas na TRO.
Ganun din ang ginawa ni Cardema ng ito ay makapanayam sa Villamor Air Base para ipagtanggol si Duterte.