Pinagpapaliwanag ngayon ng Korte Suprema ang abogadong si Atty. Raul Lambino sa kanyang nagawang aksyon na pagpapakalat ng maling impomasyon.
Sa isinapublikong pahayag ng Supreme Court ngayong araw, ibinahagi nilang inatasan ng pinakamataas na hukom ang naturang abogado na magpaliwanag ito.
Kung saan hinihingi ng korte ang panig ni Atty. Lambino upang madinig ang kanyang sagot kung bakit hindi siya dapat humarap sa ‘administrative action’ matapos ang pagpapakalat ng ‘fake news’.
Matatandaan noong Marso 11, 2025, sa isang social media live broadcast, inihayag ni Atty. Lambino ang maling impormasyon na naglabas raw ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order laban sa pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay nagdulot ng kalituhan at panlilinlang sa taumbayan hinggil sa mga aksyon ng pinakamataas na hukom ng bansa.
Kaya naman dahil dito, ipinag-utos ng Supreme Court En Banc na agarang magpaliwanag si Atty. Raul Lambino sa loob ng sampung araw mula nang ilabas ang abiso.