-- Advertisements --

Hindi nakadalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Commitee ngayong araw si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte.

Sa sulat na ipinadala ni Lopez sa Komite kaniyang ibinahagi na nakakaranas pa rin siya ng sobrang stress at na traumatized pa rin sa insidente.

Aniya nakakaranas siya ng nightmare, hirap makatulog, at pagkabalisa o anxiety.

Sa kaniyang sulat may nakalakip na medical certificate mula sa mga doktor ng Veterans Memorial Medical Center.

Si Lopez ay may sakit na frozen shoulder, scoliosis, at osteoarthrities.

Pinatawan ng contempt si Lopez ng Kopmite dahil sa pagsisinungaling.