Itinakbo sa pagamutan si Undersecretary Zuleika Lopez Office of the Vice President matapos na magsuka at mahirapang huminga habang nasa kustodiya ng House of Representatives.
Pasado alas-3 ng madaling araw nitong Sabado ng dalhin ito sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Sinamahan siya ni Vice President Sara Duterte hanggang sa pagamutan.
Hiniling ng kaanak ni Lopez na kung maari ay ilipat siya sa St. Lukes Medical Center.
Naging mahigpit naman ang pagbabantay ng mga kapulisan sa kapaligiran ng pagamutan.
Magugunitang naging emosyonal si Lopez matapos ang ipag-utos ng mga mambabatas na ito ay ilipat na lamang sa correctional for womens sa lungsod ng Mandaluyong.
Nakakulong si Lopez sa House of Representatives matapos ang ma-contempt ito sa hindi pagsagot ng tama sa mga katanungan ng mga mambabatas kung paano nagastos ang confidenital funds ng Office of the Vice President.