Nagbitiw na bilang Secretary-General ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Atty Melvin Matibag.
Ayon kay Atty Matibag, ang desisyon niya ay resulta ng aniya’y ‘significant’ na pagkakaiba sa opinion ng mga lider ng naturang partido, lalong lalo na ang alikasyon ng confidential fund(CF).
Aniya, naniniwala siya na ang mga civillian offices katulad ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) ay hindi dapat mabibigyan ng confidential and intelligence funds (CIF).
Para aniya sa ikabubuti at para sa benepisyo ng partido, pinili niyang tumiwalag muna dahil sa hindi umano niya kayang maging miyembro ng isang partido na may ibang pananaw ang liderato nito.
Nilinaw naman ni Atty Matibag na sa kabila ng pagkakaiba sa pananaw ukol sa CIF, wala umanong internal issu sa naturang partido.
Tiniyak naman nito na bago ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ay nakausap muna niya si Vice Chairman Secretary Alfonso Cusi.
Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ang official statement na ilalabas ng naturang grupo ukol sa naging anunsyo ni Atty Matibag.
Samantala, si Atty Matibag ay unang itinalaga bilang acting Cabinet Sec ilang buwan bago matapos ang Duterte Administratio, at pumalit kay dating Cab Sec Karlo Nograles.
Ipinadala naman ni Matibag ang kanyang liham kay PRRD sa pamamagitan ni PDP-Laban National President at Palawan Representative Jose “Pepito” Alvarez.
Maalalang ilang araw bago nito ay una nang dinepensahan ni PRRD ang kahilingan ni VP Sara na CIF sa ilalim ng OVP at DepEd.