-- Advertisements --

Tuluyan nang nagbitiw bilang tagapagsalita ng Office of the Vice President si Atty. Michael Poa.

Kinumpirma ito ni Poa sa naging pagharap nito sa pagdinig ng House Good Government and P[ublic Accountability sa paggamit ng OVP budget at sa isyu ng confidential funds.

Ayon kay Poa, hindi na siya konektado sa OVP dahil natapos na rin ang kanyang consultancy contract.

Bago itinalaga bilang tagapagsalita ng OVP si Poa, nagsilbi muna ito bilang Usec. at Spox. ng Department of Education sa panahon ng panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensya.

Sa nakalipas na pagdinig ng Kamara, sinabi ni Poa na inatasan niya ang noo’y DepEd Undersecretary at retired Major General Nolasco Mempin para humingi ng sertipikasyon sa Militar bilang suporta sa paggasta ng OVP sa P15-M confidential funds noong nakalipas na taon.

Nabunyag rin na naibigay naman ng militar ang hinihinging sertipikasyon bagamat hindi aniya nila alam na gagamitin kito para ijustify ang budget ng Opisina ng Pangalawang bPangulo.

Una rito ay nanindigan si Vice President Sara Dutrete na hindi ito haharap sa anumang ikakasang pagdinig ng kamara dahil naniniwala itong pinupulitaka lamang siya ng mga mambabatas.