Handang maghain ng kaso si Atty. Christian Monsod sakaling ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022.
Paliwanag nito na ang hakbang ni Duterte ay may pagkakataon muli siyang maging pangulo.
Bagamat walang nalalabag na batas si Duterte sa pagktakbo nito sa pagka-bise presidente ay naniniwala si Monsod na marami ang ku-kuwestiyon dito.
Sakaling walang maghahain ng kaso ay mapipilitan itong magsampa ng kaso.
Bilang dating chairman ng Commission on Election (Comelec) naniniwala ito na ang pagtakbo ni Duterte sa pagka-bise presidente ay posibleng kuwestiyunin ito sa Comelec.
Magugunitang isinusulong ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang partido ng Pangulong Duterte na ito ay tumakbo sa pagka-bise presidente sa darating na 2022 elections.