-- Advertisements --

Magtanong with Manalo
“I’ve been so blessed this year, and they say good things come in threes. ⚖️👑👸🏻 I will give every fiber of my being to secure another crown for the Philippines! 🇵🇭 #PA7CH”

Nagsimula na umanong aralin ng lawyer/beauty queen na si Bea Patricia Magtanong ang kultura ng Japan.

Pahayag ito ng 24-year-old Bataan beauty kasunod ng ilang araw na pananahimik sa social media sa kabila ng panalo bilang bagong Binibining Pilipinas-International.

Ayon kay Atty. Magtanong, excited na siyang irepresenta ang Pilipinas sa 2019 Miss International coronation sa November 12 sa kabisera na Tokyo.

Hindi niya raw kailanman pinangarap na makakapagsuot ng korona, bagay na inilarawan nito bilang “heaviest thing I’ve ever carried” dahil bitbit niya ang buong bansa sa pakikipagtalbugan sa international stage.⁣⁣

“(Still reeling from coronation day, I’ll post more soon!! Busy researching about Japanese culture! 🧐)” bahagi ng caption nito sa latest pictures.

Nitong Huwebes nang manumpa na ang University of the Philippines law graduate sa Philippine International Convention Center, kasama ang mahigit pang 1,700 Bar passers alinsunod sa May results.

Una nang inihayag ni Maria Athisa Manalo na masusungkit ng kanyang successor na si Magtanong ang pang-pitong Miss International crown para sa bansa.

Kung maaalala, naging abot-kamay ni Athisa ang 2018 Miss International crown sa pagiging first runner-up.