Hinamon ni Atty. Harry Roque ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na itigil na ang pagbibigay ng media interviews na tungkol sa kanyang pagkatao.
Ayon kay Roque, ang ginagawa raw ng tagapagsalita ng komisyon ay “baseless trial by publicity” para siraan siya sa publiko.
Kung mayroon aniyang ebidensya ang PAOCC, mas mainam na sa korte na lang dalhin ang reklamo at hindi ang pagkaladkad sa ibang platform.
Bagama’t hindi pa raw niya nakikita ang kasong nilulutong kaso, alam nitong mahihirapan ang mga nag-aakusa sa kaniya na idawit ang kanyang pangalan sa issue ng trafficking dahil nangangailangan iyon ng actual recruitment sa POGO.
Malinaw pa aniya sa sikat ng araw na walang matibay na ebidensiya, dahil hindi naman tatanggapin sa hukuman ang puro salita at akusasyon.
Dagdag pa nito, haharapin daw niya ang mga nag-aakusa nang buong talino at buong tapangkayaa dapat umanong maghanda ang mga nagbabato ng issue laban sa kaniya.
Wala pa namang tugon dito ang PAOCC.