Kumbinsido si dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na tatakbo si VP Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028 Elections
Ayon kay Panelo, sigurado na ang pagtakbo ng pangalawang pangulo sa susunod na Presidential Elections.
Giit ng dating Duterte appointee, hindi sana nangyayari ang Duterte-Marcos conflict kung dati nang nagdesisyon si VP Sara na tumakbo sa pagka-presidente noong 2022 elections.
Maalalang dati na ring sinabi ni VP Sara na kaniyang ‘seryosong ikinukunsidera’ ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028.
Una nang na-impeach si VP Sara sa Kamara de Representantes nitong Pebrero-5 habang inaasahan namang uusad na ang impeachment trial sa mga susunod na buwan.
Kung tuluyan siyang mapapatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment, madi-disqualify na siyang humawak ng anumang public office, salig na rin sa itinatakda ng batas.