-- Advertisements --

Inatasan ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang kaniyang dating Executive Secretary na si Atty. Salvador Medialdea para umasiste ssa kaniyang initial appearance sa International Criminal Court (ICC) ngayong araw, March 14, 2025.

Makakasama ni Medialdia ang Office of Public Counsel for the Defence.

Batay sa kopya ng ‘Notification of the Representation of Mr. Rodrigo Duterte during his initial appearance’ na inilabas ng ICC, nitong March 12 ay inapoint ng dating pangulo ang kaniyang dating ES bilang isa sa kaniyang mga counsel sa ICC proceeding.

Nakasaad pa dito na noong March 13, 2025, binisita ng ICC Registry ang dating pangulo upang mapag-usapan ang kaniyang initial na appearance sa Pre-Trial Chamber 1 at nagpahayag ang dating pangulo ng kaniyang kagustuhan na asistehan siya ni Medialdea kasama ang Office of Public Counsel for the Defense.

Ngayong araw, nakatakdang humarap ang dating pangulo sa pre-trial chamber 1 ng ICC.

Sa ilalim ng unang appearance, kukumpirmahin ang kaniyang pagkakakilanlan, iimpormahan siya sa kaniyang kaso, at sasabihin ang kaniyang mga karapatan sa ilalim ng ICC Rome Statute.

Magsisilbing Presiding Judge si Judge Iulia Motoc at makakasama ang dalawang ICC judges na sina Judge Reine Alapini Gansou at Judge Maria del Socorro Flores Liera.