Inihayag ni Atty. Salvador Panelo, former chief presidential legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito isinasantabi ang posibilidad na ipapapatay ang nakadetenang pangulo sakaling ibalik man sa bansa.
Ito mismo ang kanyang sinabi sapagkat naniniwala siyang maari itong mangyari lalo pa’t may mga kalaban umano ang dating presidente na nais siyang mawala.
Kung saan inihalintulad din ni Atty. Salvador ang sitwasyong kahaharapin ng kanyang kaibigang pangulo sa sinapit ng yumaong dating Senador Benigno Ninoy Aquino Jr. ng ito’y bumalik ng Pilipinas.
Gayunpaman, sa kabila nito, ngayong kaarawan ni Former President Rodrigo Duterte birthday wish niya na bukod sa magkaroon ito ng magandang kalusugan, hiling niya rin na sana’y maibalik ng tuluyan ang dating Pangulo sa Pilipinas.
Kaugnay pa rito, inihayag naman ni Atty. Salvador Panelo ang kanyang planong pagpunta sa The Hague, Netherlands.
Bagama’t walang kasiguraduhan kung siya’y makakapasok sa detention facility, aniya’y maparamdam niya lang sa pangulo na naroon siya ay sapat na.