-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng sexy actress na si Aubrey Miles at Troy Montero ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa kanilang social media account ay nagpost ang dalawa ng mga larawan ng kanilang kasal.

Isinagawa ito sa Mandaluyong City Hall na pinangasiwaan ni Mayor Carmelita Abalos.

Sa caption ng sexy actress na masaya ito dahil sa 18 taon na pagsasama nila ay ikinasal na rin sila.

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-18 na taon na pagsasama noong Setyembre 2021 kung saan mayroon silang dalawang anak na sina Hunter at Rocket.