Hangad ni Aubrey Miles na magsilbing inspirasyon sa mga kapwa niyang nag-invest sa negosyo na magbubunga rin ang hirap.
Pahayag ito ng 42-year-old sexy actress kasabay ng anunsyo na nakabili ng property dahil sa malaking bahagi ng kanyang pagiging certfied “plantita.”
Batay sa impormasyon, ito ay ang magiging isa pang bahay ng kanilang pamilya sa Antipolo.
Nabatid na sa Quezon City nakatira sa kasalukuyan si Aubrey at celebrity partner na si Troy Montero kasama ang kanilang dalawang anak.
Ayon sa partner ng 43-year-old TV host/actor, maliban sa “katas ng halaman” ay dapat samahan din ng pananalig at pagsisikap ang anomang bagay na nais mapagtagumpayan.
Una nang inamin ni Aubrey na minsan siyang gumastos ng P300,000 para lamang sa isang halaman.
Kabilang pa sa mga artistang nahumaling sa halaman sa gitna ng coronavirus pandemic ay sina Jasmine Curtis, Kathryn Bernardo, Angelica Panganiban, at Jinkee Pacquiao.