Tila hindi pa nagsi-sink in kay Aubrey Miles na mauuwi na sa kasalan ang halos dalawang dekada nang pagsasama nila ni Troy Montero.
Ayon kay Aubrey, iba sa pakiramdam sa paggising nito kanina na mayroon siyang suot na engagement ring na simbolo aniya ng pang-habangbuhay na kaligayahan.
Kuwento pa ng 40-year-old former sexy actress, napa-thank you pa ito ito bago napasagot ng “yes” nang alukin ng kasal ng 44-year-old actor habang sila ay nasa gitna ng dagat sa Boracay.
“Woke up to this forever happiness💍. I’ve always known it’s him😊
Yesterday, I realized how exciting it is to get engaged and wearing a ring on my left hand😁
It’s too beautiful not to share this. If you know how It went down? I said “Thank you and YES! “ Lol pag kita ko sa ring napa thank you muna ako🤣 bago Yes 🤦🏻♀️“
Setyembre noong nakaraang taon nang magdiwang ng 18 years na pagsasama ang ngayo’y soon to be husband and wife.
Una nang ibinunyag nina Miles at Montero na dapat ay ikakasal na sila noong 2020 sa Batanes pero ipinagpaliban dahil sa pandemya.
Mayroon na silang dalawang anak na 13-anyos at tatlong taong gulan. Si Miles naman ay may anak na sa dating nakarelasyon na ngayon ay edad 21 na.