-- Advertisements --

Muling nagpatupad ng lockdown ang Auckland sa New Zealand.

Ito ay matapos magtala ng apat na kaso ng coronavirus matapos ang 100 araw na wala ng itong naitala.

Sinabi ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardem, na ilalagay sa “level 3” lockdown ng tatlong araw hanggang Biyernes ang nasabing lugar.

Nangangahulugan nito na lahat ay dapat ay manatili ang lahat ng mga residente sa loob ng kanilang bahay maliban lamang sa mga essential workers.

Magiging sarado naman ang mga public facilities, bars, restaurants at ilang negosyo.

Huling kaso n g local transmission ay nakita noong Mayo 1 kung saan 22 tao na ang nasawi.