TOKYO – Inaprubahan na Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagsubasta ang Marcos jewelries na nagkakahalaga ng P700 million.
Inihayag ito ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ambush interview sa Filipino community meeting ni Pangulong Duterte dito sa Tokyo kasunod ng 2018 Commission on Audit (COA) report na nagsabing maaari nang isailalim sa auction ang mga alahas ng pamilya Marcos.
Sinabi ni Sec. Panelo, walang problema kay Pangulong Duterte para tuluyan ng maibenta ang naturang asset ng mga Marcoses.
Ayon kay Sec. Panelo, basta para sa pakinabang ng mga Pilipino, hindi umano hahadlangan ni Pangulong Duterte ang hakbangin para mai-auction ang nabanggit na bahagi ng yaman ng mga Marcoses.
Saad pa ng kalihim na bahala na ang pangulo kung kailan isagawa ang auction o subasta para sa mga nasabing alahas.