-- Advertisements --

ILOILO- Hindi na matutuloy ang auction sa mga poste ng Panay Electric Company (PECO) na naka takda sanang isagawa sa Disyembre 12.

Matapos na bigyan ng konseho si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng ortoridad na pirmahan ang agreement ng PECO.

Base sa agreement, babawiin ng PECO ang kaso laban sa City Government sa kondisyong hindi pagtuloy sa auction.

Isasantabi naman ng PECO ang pagbabayad ng P39 million habang wala pang desisyon ang Local Board Assessment Appeals kung dapat ba talaga itong bayaran.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Councilor Ed Peñaredondo, gusto ng PECO na bigyan sila ng syudad ng mga permit para sa kanilang mga operasyon bagamat hindi nila gustong magbayad ng penalties at interests.

Ayon naman sa City Legal Office, subject to litigation pa ang penalties na babayaran ng PECO ay Unanimously approved ng konseho ang pagbibigay ng otoridad kag Mayor Jerry Treñas.