-- Advertisements --

Nilimitahan ng hanggang 1,000 katao lamang ang puwedeng manood ng French Open tennis tournament.

Sinabi ni French Open chief Guy Forget, ang nasabing kautusan ay mula sa gobyerno bilang hakbang para hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19.

Unang plano kasi ay mayroong 20,000 na audience ang papayagan hanggang ginawang 11,500 at nabawasan pa ito at ginawang 5,000 hanggang sa huli ay naging 1,000 na lamang.

Sinabi nito na igagalang nila ang naging pasya ng gobyerno dahil ilang buwan din nila itong pinaghandaan.

Ayon naman kay French Prime Minister Jean Castex na dapat sumunod sa ipinapatupad nilang protocol ang nasabing tennis tournament organizer.

Ang bilang ng 1,000 audience ay 3% lamang sa total attendance na halos 520,000.