-- Advertisements --
metro manila NCR skyline
Makati City skyline


Hinikayat ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng komprehensibong audit sa lahat ng imprastraktura sa Metro Manila.

Ito ay kasunod na rin ng magnitude 6.1 na lindol na tumama noong Lunes, Abril 22, sa iba’t ibang bahagi ng Luzon na nagdulot ng pagkasira ng ilang mga imprastraktura.

Iginiit ni Castelo na mahalagang magkaroon ng koordinasyon ang Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government at National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa pagtiyak ng structural integrity ng mga imprastraktura sa National Capital Region (NCR) upang maiwasan ang pagkawala ng maraming buhay at mga ari-arian.

Ito ay bilang paghahanda na rin aniya sa pinangangambahang “The Big One” o isang malakas na pagyanig na makakaapekto sa isang mahabang fault line sa NCR, na sinasabing makakapag-iwan ng libu-libong casualties.

Nauna nang naghain si Castelo ng joint resolution na naglalayong magtatag ng dalawan team para sa initial inventory at audit ng government buildings at iba pang imprastraktura para mag assess ang structural integrity ng mga ito.