-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagpasalamat ang rector ng Basilica Minore Del Sto. Niño de Cebu, Fr. Aladdin Luzon sa Bombo Radyo Cebu, Bombo Radyo Philippines sa isasagawang Bombo Medico 2019.

Inihayag ni Fr. Luzon na sa ngalan ng mga pari ng Order of Saint Augustine ay nagpapasalamat ito sa walang tigil na pagtulong ng Bombo Radyo sa mga nangangailangan.

Aniya, isa itong “platform” para matulungan ang mga taong labis na nangangailangan.

Malaki ang paniniwala ni Fr. Luzon na hindi personal na interes ang nangingibabaw sa pagsagawa ng Bombo Radyo sa mga corporate social responsibility nito kundi pawang serbisyong totoo para sa mga Pilipino.

Habang, nagbigay rin ng panalangin si Fr. Luzon para sa mapayapa, maayos at matagumpay na pagsasagawa ng Bombo Medico 2019 bukas dito sa Colegio del Sto. Niño de Cebu grounds.