-- Advertisements --
Humarap na rin sa unang pagkakataon mula ng mapatalsik sa kudeta ang lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Ang court appearance ni Suu Kyi ay kaugnay umano sa mga gawa-gawa kaso na inihain laban sa kanya ng mga lider ng militar.
Ayon sa kanyang abogado, inabot lamang sila ng 30 minuto na pakikipag-usap kay Suu Kyi.
Sinabi ng dating lider, mananatiling aktibo ang kanyang partido hangga’t sinusuportahan ito ng mamamayan ng Maynmar.
Kung maalala mula ng agawin ng militar ang pamumuno sa Myanmar noong Pebrero 1, umaabot na sa mahigit 800 ang namamatay dahil sa malawakang mga kilos protesta.
Samantala, sinasabing maganda naman daw ang kalusugan ni Suu Kyi at mataas pa rin ang kumpiyansa nito na lumaban.