-- Advertisements --

Simula na sa pagsasagawa nang pagdinig sa junta court para sa testimonya ng mga witnesses hinggil sa mga kaso laban sa napatalsik na Myanmar leader na si Aung San Suu kyi, mahigit na apat na buwan matapos ang coup de’tat.

Isasailalim ng legal team ni Suu Kyi sa cross examination ang mga witnesses hinggil sa mga patung-patong na kasong kinakaharap nito kabilang ang illegal possession ng walkie-talkies at paglabag sa coronavirus restrictions habang nangangampaniya sa eleksyon noong nakaraang taon, gayundin ang akusasyon laban sa kaniya ng mga military official ng korupsyon at paglabag sa colonial-era secrecy law.

Naka-schedule naman ang hiwalay na pagdinig sa akusasyong electoral fraud kasama ang ousted president na si Win Myint at iba pang senior member ng National League for Democracy sa June 15.

Inaasahang matatapos ang trial sa July 26 kung saan isasagawa ito tuwing araw ng Lunes ang mga pagdinig.

Nitong nakalipas na Huwebes, nadagdagan pa ang kasong korupsyon laban kay Suu Kyi dahil umano sa iligal na pagtanggap ng perang nagkakahalaga ng $600,000 at 11 kilos na ginto subalit itinanggi naman ito ng kampo ni Suu Kyi ang mga paratang.

Maaaring makulong ng mahigit dekada si Aung San Suu Kyi kung sakaling mahatulang guilty sa lahat ng charges laban sa kaniya.