-- Advertisements --

Nakatakdang humarap sa korte ngayong linggo si Myanmar leader Aung San Suu Kyi.

Ayon sa abogado nito na haharapin niya ang kasong isinampa ni Army chief general Min Aung Hlang.

Inakusahan kasi nito ang lider ng malawakang pandaraya noong nakaraang halalan kung saan na-sweep ng partido ni Suu Kyi na National League for Democracy (NLD) ang halalan.

Isasagawa sa pamamagitan ng video conferencing ang nasabing pagharap ng lider ng Myanmar.

Magugunitang kinuha ng militar ang pamumuno sa Myanmar na nagdulot ng malawakang kilos protesta.