-- Advertisements --

Nakita sa unang pagkakataon mula ng inaresto noong Pebrero 1 si Myanmar leader Aung San Suu Kyi.

Dumalo kasi ito sa video hearing ng kaniyang kaso sa korte.

Ayon sa kaniyang abogado na nasa maganda ang pangangatawan ni Suu Kyi.

Ang 75-anyos na si Suu Kyi ay inaresto noong Pebrero 1 dahil umano sa alegasyon ng pandaraya kung saan inagaw ng militar ang pamumuno ng gobyerno.

Dahil sa nasabing insidente ay sumiklab ang kilos protesta.

Kinasuhan ito ng iligal na pagbiil ng walkie talkies at paglabag sa natural disaster law, paggamit ng iligal communication equipment at nagpapasimuno ng takot at pagkaalarma.

Magugunitang nitong Linggo ay pumalo sa 18 protesters ang binaril ng mga kapulisan na kinondina ng maraming bansa.