Patong-patong na kaso ang isinampa ng pulisya sa Myanmar laban sa civilian leader na si Aung San Suu Kyi kaugnay sa nangyaring military kudeta.
Sa ipinakitang dokumento ng pulisya, siya ay ibabalik sa kustodiya hanggang sa Pebrero 15.
Kabilang sa kasong isinampa laban kay Suu Kyi ay ang breaching import at export laws at ang pagkakaroon ng unlawful communication devices dahil sa narekober na “walkie-talkies” nito sa kaniyang bahay.
Nananatiling palaisipan pa rin kung saan dinala si Suu Kyi ngunit may mga naniniwala na ikinulong ito sa kaniyang tahanan sa Nay Pyi Taw.
Samantala, sinampahan din ng kaso si President Win Myint ng paglabag sa mga patakaran na nagbabawal sa mga pagtitipon-tipon sa panahon ng COVID-19 pandemic matapos ito magsagawa ng motorcade sa panahon ng election campaign.
Ang kudeta ng militar ay pinamumunuan ni Armed Forces chief Min Aung Hlaing na nagbabalak na i-install ang 11-member junta matapos isinailalim sa state of emergency ang Myanmar sa loob ng isang taon.
Nananatiling naka-shutdown pa rin ang internet service, suspended ang mga flights at ikinukulong ang mga kritiko. (with report from Bombo Jane Buna)