-- Advertisements --

Tumataas ngayon ang posibilidad na hihina pa nang husto ang Bagyong Auring bago ang inaasahang pagtama ng sentro nito sa kalupaan ng bansa.

Ayon sa Pagasa, ito raw ay dahil sa patuloy na vertical wind shear at pagpasok ng tuyong hangin na dulot ng Northeast Monsoon o hanging amihan.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 480 kms silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo ng hanggang 80 kph.

Halos walang paggalaw ang bagyo sa mga nakalipas na oras.

Nakataas ngayon ang Signal No. 1 sa Masbate (Cataingan, Cawayan, Dimasalang, Esperanza, Palanas, Pio V. Corpuz, Placer); Northern Samar; Eastern Samar; Samar; Biliran; Leyte; Southern Leyte; Cebu; Negros Oriental; Bohol; Siquijor; hilagang bahagi ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, Manapla, Murcia, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, Silay City, Talisay City, Toboso, Victorias City); Dinagat Islands; Surigao del Norte; Surigao del Sur; Agusan del Norte; Agusan del Sur; Davao Oriental; Davao de Oro; Davao del Norte; Davao City; Camiguin; Misamis Oriental; at Bukidnon.