-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Auring habang patuloy na lumalapit sa bahagi ng Caraga region.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 700 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
May lakas ng hangin itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang tropical depression Auring nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, tail-end ng frontal system naman ang nagdadala ng ulan sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas.
Habang hanging amihan naman ang nararanasan sa Northern Luzon.