-- Advertisements --

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Aurora dahil sa natamo nitong pinsala dulot ng Bagyong Ulysses.

Batay sa abiso ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 232 tungkol sa deklarasyon ng state of calamity sa probinsya.

Ang naturang probinsya ay kabilang sa mga lugar na matinding sinalanta ng nagdaang sama ng panahon.

Lubos na napinsala ng bagyo ang ang aspetong pangkabuhayan, imprastraktura, pangsakahan at kabahayan sa Aurora.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang mga karatig-probinsya ng Aurora na Isabela at Cagayan dahil sa malawakang pagbaha dahil sa bagyo.