Niyanig ng magnitude 4.0 ang lalawigan ng Aurora dakong alas-7:16 ng gabi, Pebrero 5, araw ng Sabado.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng naturang pagyanig ay nasa anim na kilometro (km) timog-kanluran ng Dilasag, Aurora na may lalim namang 29 kilometro.
Nakaranas naman ng bahagyang malakas at Intensity IV na paglindol ang Maddela, Quirino habang Intesity II naman ang naramdaman sa Santiago, Isabela, at nasa Intesity I naman ang lakas ng naitalang pagyanig ng lupa sa Baler, Aurora.
Tectonic naman ang origin ng mga naturang lindol, na nangangahulugang it ay sanhi ng paggalaw ng isang active fault malapit sa lugar.
Samantala, wala namang inaasahan ang Phivolcs na mga pinsala sa mga ari-arian o mga aftershocks dahil sa naturang pagyanig ng lupa.