-- Advertisements --

amansec

Mariing kinondena ni Aurora Lone District Rep. Rommel Angara ang pagpaslang kay Dipaculao, Aurora Vice Mayor Narciso Amansec.

Panawagan ni Angara sa mga otoridad na tiyaking mapapanagot ang mga suspek na nasa likod ng pagpaslang Amansec.

Pinatay si Amansec kasama ang dalawa pang iba habang nasa loob ng sasakyan ng hindi pa nakilalang mga suspeks.

Binigyang-diin ni Angara na walang puwang sa kanilang probinsya ang karahasan at hindi nila kukunsintihin ang kawalang katarungang insidente gaya ng pagpaslang sa vice mayor.

Ipinaabot din ng mambabatas sa naiwang pamilya ng dating bise alkalde ang kanyang pakikiramay.

Umaasa si Angara na mabigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

Tumakbo bilang gobernador ng Aurora si Amansec nitong 2022 Elections, ngunit natalo.

Isiniwalat ng nasawing dating bise-alkalde ang umano’y iligal na pagiimprenta ng election materials ng noo’y incumbent Aurora governor Jerry Noveras.

Kasalukuyang dinidinig ang kaso sa local prosecutor’s office at Commission on Election sa Aurora.