Ipinagtanggol ng 29-anyos na Australian student ang kaniyang sarili matapos itong paratangan ng North Korea na isang espiya.
Inaresto si Alek Sigley sa North Korea dahil sa di-umano’y pagpapakalat nito ng kaniyang mga komento na taliwas daw sa isinusulong ng gobyerno ng North Korea.
Pinalaya si Sigley noong Hulyo 4 matapos nitong makulong sa loob ng isang linggo.
“The allegation that I am a spy is (pretty obviously) false. The only material I gave to NK News [a website he wrote for] was what was published publicly on the blog, and the same goes for other media outlets,” saad ni Sigley sa kaniyang tweet.
Kasalukuyang nag-aaral si Sigle sa Kim Il Sung University at nakatira sa Pyongyang.
Kasabay ng kaniyang pag-aaral sa Pyongyang, nagawa rin nitong magsulat ng kaniyang mga karanasan sa North Korea para sa news site na NK News. Itinatag din nito ang Tongil Tours, uri ng negosyo na layuning ilibot ang mga turista na bumibisita sa North Korea.