-- Advertisements --

Kinansela ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang kaniyang biyahe sa headquarters ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Ito ay matapos na dalhin siya sa pagamutan.

Ang 70-anyos na si Austin ay nasa critical care unit sa Washington dahil umano sa emergent bladder issue.

Magugunitang mayroong prostate cancer si Austin na sanhi ng kaniyang pagkakaospital noon pang nakaraang buwan.