Nakarating na sa Tonga ang unang foreign aid planes para magbigay ng mga kinakailangan ng mga nasalanta ng pagsabog ng underwater volcano na nagdulot ng tsunami.
Ayon sa New Zealand na lumapag sa main airport ng Tonga ang kanilang military plane matapos na linisin ng mga empleyado ng paliparan ang mga nagkalat na mga abu mula sa bulkan.
May karga ang kanilang C-130 Hercules plane na mga inuming tubig, temporary shelter kits, generators, hygien and family kits at mga communication equipment.
Matapos ang ilang oras ay lumapag din ang Boeing C-17 Globemaster ng Australia na may dala ring mga kakailangan ng mga nasalanta ng nasabing kalamidad.
Magiging contactless ang gagawing relief operations ng New Zealand at Australia sa Tonga para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sinabi ni New Zealand Defence Minister Peeni Henare na naging maingat sila kaya matapos ang halos dalawang oras ay agad na bumalik sa kanilang bansa ang kanilang eroplano.