-- Advertisements --

Pinawalang bisa ng gobyerno ng Australia ang visa ni Serbian tennis star Novak Djokovic.

Dahil sa pangyayari ay magiging malabo na maidepensa ng world’s number 1 tennis player ang kaniyang titulo sa Australian Open na magsisimula sa Jan. 17 hanggang Jan. 30.

Pagdating nito sa Melbourne ay ilang araw siyang inilagay sa kuwarto at doon kinuwestiyon ang kaniyang medical exemptions.

Paliwanag ng Australian government na hindi nakahingi ang kampo ni Djokovic ng medical exemption dahi sa hindi pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Una nang sinabihan ang kampo nito na maaaring palayasin siya subalit nagmatigas ang abogado ni Djokovic na kanilang kukuwestiyunin ang desisyon.

Magugunitang binigyan ng medical exemptions ng Tennis Australia si Djokovic para maidepensa nito ang titulo.

Isa kasi ang Serbian tennis player na komokontra sa pagpapaturok ng COVID-19. vaccine.