-- Advertisements --

Naniniwala si Australian Governor-General David Hurley na maganda ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Ginawa ni Hurley ang pahayag ng bumisita si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa Canberra.

Ang presensiya ng Pangulo sa Australia ay lalong magpapalawak sa relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Hurley binibigyang halaga ng Australia ang strategic partnership nito sa Pilipinas dahil malapit itong kaibigan na maaring sandalan ng isat isa.

Sa pagharap ni Presidente sa Australian Parliament, binigyang-diin nito ang matagal ng bilateral ties ng dalawang bansa na sa mga nagdaang taon ay lalong tumitibay.

Tinukoy ni Hurley, ang dalawang partnership nito sa Pilipinas una sa development na nakatuon sa pagpapaigting sa economic growth habang sa security partnership nakatutok sa pagpapalawak sa maritime defense, counter terrorism at cyber cooperation.

Ibinida din ng Australian leader ang “Exercise Alon” na bahagi ng Indo-Pacific Endeavor 2023 sa Pilipinas na isa sa pinaka malaking bilateral exercises sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Aniya ang Pilipinas ay isa sa fastest growing economies sa Southeast Asia kaya may dahilan para palawakin pa ng Australia ang trade and investment ties nito partikular sa green energy. resources, agriculture at education na naka balangkas sa Australia’s Southeast Asia Economic Strategy to 2040.

Iniulat din ni Hurley na ang “Work and Holiday” arrangement na nilagdaan ni Prime Minister Albanese ng bumisita ito sa Pilipinas nuong September ng nakaraang taon ay opisyal ng magsisimula ngayong July 2024.

Nakatakda naman dumalo sa susunod na linggo ang Pangulo sa ASEAN-Australia Special Summit na gaganapin sa Melbourne.