Bubuksan na ng Australia ang kanilang international border pagsapit ng buwan ng Nobyembre.
Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison na ito na ang inaabangang na kapayapaan ng mga bakunadong mamamayan ng Australia.
Mula kasi noong March 2020 ay isinara ng Australia ang kanilang border dahil sa pananalasa ng COVID-19.
Paglilinaw naman ni Morrison na hindi pa nila papayagan ang mga dayuhan na makapasok at tanging mga Australian citizens para makasama na ang kanilang kaanak.
Umani naman ng papuri ang ginawang ito ng Australia lalo na sa mga Australian citizens na hindi nakauwi bunsod ng travel restrictions.
Dagdagd pa ni Morrison na ang mga hindi pa bakunadong mamamayan na uuwi ay kailangan pa nilang sumailalim sa 14-araw na quarantine habang pitong araw na lamang ang mga bakunadong mamamayan nila.