-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Excited na ang mga Australian at iba pang dayuhan na nagnanais makapasok sa Australia.

Ito’y dahil simula sa darating na April 17, ang lahat ng papasok sa nasabing bansa ay hindi na obligado na magpakita ng kanilang negative “RT-PCR” result o kaya’y rapid antigen test.

Ayon kay Bombo international correspondent Denmark Suede sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan direkta mula sa Sydney, Australia, ire-require na lamang ng pamahalaan sa naturang bansa ay ang pagsusuot ng face mask.

Ito ay sakaling sasakay ng mga public utility vehicles, pati na sa eroplano at kung papasok sa ospital.

Dagdag ni Suede, sa ngayon ay puwede nang makalabas ng kanilang bahay ang lahat basta’t sila ay bakunado na.