-- Advertisements --

Gagastos ang Australian government ng $186 billion para sa palakasin ang kanilang miltiar forces sa susunod na isang dekada.

Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison, nahaharap sa mabigat na international situation ang kanilang bansa.

Kailangan aniya maghanda ang kanilang bansa sa post-Covid world na magiging mas mahirap, mapanganib at magulo.

Bahagi ito ng kaniyang talumpati sa Australian Defence Force Academy sa Canberra.

Hindi naman nito direktang binanggit kung ang pahayag nito ay may kaugnayan sa lumalalang banta mula sa China dahil sa territorial disputes sa kanilang Himalayan border sa India at sa South China Sea at East China Sea.