-- Advertisements --

Australia handa na bilang host ng 2023 FIBA Women’s Asia Cup
Unread post by news.butuan » Tue Jun 20, 2023 10:40 am

BUTUAN CITY – Handang handa na ang Sydney, Australia para sa pagho-host ng 2023 FIBA Women’s Asia Cup na magaganap ngayong Hunyo a-26 hanggang Hulyo a-2, nitong taon.

Ayon kay Bombo international news correspondent Denmark Suede direkta mula sa Sydney, ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Australia ng flagship women’s national team competition sa rehiyon at unang FIBA Asia event din na gaganapin sa naturang bansa.

Walong mga koponan umano ang maglalaban-laban at ang unang apat na mananalo ay syang magku-qualilfy sa 2024 Paris Olympics.

Ka-agapay ng mga otoridad ang artificial intelligence o AI sa pagbibigay ng seguridad sa mga turista at delegadong dadalo sa nasabing palaro.