-- Advertisements --

australia1

Nagpahayag ng kahandaan ang Australia na tulungan ang Philippine Army sa pagbabagong-anyo upang mas matutukan ang “territorial defense”.

Ito ay kabilang sa mga napag-usapan sa pagpupulong ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. at Australian Ambassador to the Philippines His Excellency Steven J. Robinson.

Ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay matapos mag-courtesy Call ang embahador kay Lt. Gen. Brawner sa Phil. Army Headquarters sa Ft. Bonifacio sa Taguig City.

Sa kasalukuyan, naka-angkla ang ugnayang pandepensa ng Pilipinas at Australia sa tatlong kasunduan: ang 1995 Memorandum of Understanding on Cooperative Defense Activities; the Philippines-Australia Status of Visiting Forces Agreement, at ang 2015 Comprehensive Partnership Agreement.

Ang Philippine Army at Australian Army kasama ang US Marine Corps ay nakatakdang magsagawa ng trilateral combined exercise na binansagang Carabaroo 2022, para mahasa ang kanilang mga tropa sa counter-terrorism, at mas mapahusay ang teamwork sa pagitan ng mga pwersa ng tatlong bansa.