-- Advertisements --

Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.

Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.

Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.

Nauna rito, ilang tennis players ang nagparating ng kanilang reklamo sa social media kung saan sinasabing nakaranas sila ng hindi magandang trato.

Magugunitang nasa 72 manlalaro ang sinasabing nakasalamuha ng apat na COVID-19 cases kaya sila ay pinigilang makalabas sa kanilang mga hotel sa loob ng 14 na araw.

Magsisimula naman ang nasabing torneyo sa Pebrero 8.