Isasara na ng Australia ang kanilang embassy sa Kabul, Afghanistan.
Magiging epektibo ang pagpapasara nito sa darating na Mayo 28.
Kasunod ito sa patuloy na kaguluhan sa nasabing lugar.
Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison na regular pa rin nilang bibisitahin ang Afghanistan pero sa ibang rehiyon at hindi sa Kabul na doon ang lugar ng may naitatalang matinding kaguluhan.
Tiniyak naman din nito na magiging mahigpit ang kanilang relasyon sa Afghanistan at ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang suporta.
Umaasa naman ang Afghanistan na ito ay panandalian lamang at umaasa silang muling makabalik ang Australia.
Noong nagdaang mga taon ay binawasan na ng Australia ang presensiya ng mga sundalo sa Afghanistan na mula sa dating 1,500 ay ginawa na nila itong 80.