Ikinagalit ni Australian Prime MInister Scott Morrison ang alegasyon ng France sa pagkansela nila ng pagbili ng mga submarine.
Lumabas ang nasabing usapin ng akusahan ng France ang Australia matapos ang pakikipag-alyansa nito sa US at United Kingdom.
Sa nasabing kasunduan ng tatlong bansa ay nangako ang US na tutulungan nila ang Australia na makabili ng nuclear-capable na submarine.
Dahil dito ay nagalit si French President Emmanuel Macron at ni-recall ang mga ambassador nito na nakatalaga sa Australia at Washington.
Nagkaroon kasi ng kasunduan ang France at Australia na bibili ng $36.5 biliyon na halaga ng mga submarine noon pang 2016.
Paliwanag naman ni Australian Finance Minister Simon Birmingham na naging bukas sila sa France at sa katunayan aniya ay inabisuhan nila ang mga ito bago ang pakikipagkasundo sa US at UK.