-- Advertisements --

Kinumpirma ni Australian Defense Minister Marise Payne na magpapadala sila ng mga Australian forces sa Pilipinas para tumulong sa mga sundalong Pilipino para labanan ang terorismo partikular ang Islamic State (IS) inspired terrorists.

Ang nasabing hakbang ay patunay na “fully committed” ang Australia sa pagbibigay suporta sa Pilipinas.

Sinabi ni Payne na maliit na contingents ng Australian soldiers ang ipapadala sa Pilipinas.

Nilinaw din ng Australian defense chief na hindi isasabak sa giyera ang mga nasabing Australyanong sundalo kundi mananatili lamang ang mga ito sa kampo ng militar.

Batay sa napagkasunduang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA), nag provide ang Australia sa Armed Forces of the Philippines ng dalawang P3 Orion surveillance planes na siyang ginamit sa Marawi operations para tukuyin kung saan nagtatago ang mga teroristang Maute.

Hindi naman sinabi ni Payne kung kailan darating sa bansa ang isang maliit na contigents ng Australian forces.